Hindi nakapaglaro ang paretiro ng si Los Angeles Lakers Kobe Bryant noon Biyernes ng gabi kontra sa Philadelphia 76ers dahil sa namamagang kanang balikat.
Ito ang ikalimang laro na ang ikatlong nangungunang leading scorer sa kasaysayan ng NBA ay naupo ngayong season, at ikalawa sa loob ng dalawang linggo bunga ng nararamdaman sa kanyang balikat.
Ang 20-anyos na beterano sa NBA, na nagdiriwang ng kanyang ika-37 taong kaarawan noong Agosto, ay nauna ng nagpahayag noong Nobyembre 27 na ito na ang kanyang huling taon sa liga.
Si Bryant ay nagtatala ng mahigit sa 17.2puntos sa 29 na laro para sa Lakers, na naglaro noong Biyernes bitbit ang ikalawang pinakamasamang record sa liga sa likuran ng Philadelphia na may 6-27, panalo-talong kartada.
Kagagaling lamang ng Los Angeles sa maigting na 112-104 panalo kontra sa Boston noong Miyerkules kung saan itinala ni Bryant ang kanyang unang double-double sa season na 15puntos at 11 rebound sa loob ng 33 minuto. Nagtala ito ng 5 for 18 sa field.
‘’We talked in the third quarter of the Boston game, because he kept trying to get it loose,’’ sabi ni coach Byron Scott, na pinagsimula ang rookie na si Anthony Brown sa small forward kapalit ni Bryant.
‘’Kobe told me: ‘I just can’t get it loose, but I can do other things.’ So there was nothing at that time that really affected him as far as his play, but today and yesterday it probably even stiffened up a little more,’’ sabi ni Scott. ‘’So he just wants to try to get it under control as much as possible before he plays again.’’
Samantala, inaasahang magbabalik ang kasalukuyang NBA MVP na si Stephen Curry mula sa dalawang larong pagkawala kung saan hindi lamang ito ang miyembro ng Golden State Warriors na magbabalik sa koponan.
Iniulat na magbabalik din ang Warriors coach na si Steve Kerr sa sideline sa unang pagkakataon ngayong season, kung saan hangad ng Golden State ang ika-34 na diretsong regular-season na panalo sa homecourt noon Sabado kontra sa Denver Nuggets.
Nahati ang dalawang laban ng Golden State (30-2) sa pagtungo nito sa Texas kung saan ang kasalukuyang MVP ay nagtamo ng bruised lower left leg. Matapos bumangon sa kanilang pinakamasaklap na paglalaro sa season nang durugin ng Dallas, 91-114, ay bumalik ang Warriors upang isara ang taong 2015 sa 114-110 panalo sa Houston.
Nagtala si Klay Thompson ng anim na 3points para sa kanyang 38puntos habang si Draymond Green aynag-ambag ng kanyang ikalimang triple-double sa season.
Si Green ay may 16 sa kabuuang 35 assist ng Golden State napinantayan ang ikalawang pinakamataas na nagawa ng koponan sa season.
“We didn’t try to play the same ball game that we play when Steph is playing,” sabi ni Green, na itinala ang kanyang career high sa assist. “When Steph is out there he makes the game so much easier for everybody else that you don’t have to execute all the time and we can just push the ball and go, go, go. We had to slow it down, focus on the defensive end and our offensive execution and we did that.”
“We were active, with 35 assists as a team, everybody was contributing and everybody was making plays and reads, that was a championship effort,” sabi ni Warriors assistant coach Luke Walton.
Una nang nagtala ang Warriors ng 35 o mas maraming assist sa kanilang panalo sa Nuggets (12-21) noong nakaraang buwan. Mayroon itong season-high 40 sa 119-104 panalo sa homecourt noong Nobyembre 6 at 35 sa 118-105 panalo sa Denver noong Nobyembre 22. (ANGIE OREDO)