Ian-at-Jodi-8 copy copy

HIGIT na mas marami ang kinilig kina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion sa pelikulang All You Need is Pag-ibig na patuloy pa ring pinipilahan ngayon sa mga sinehan.

Nang panoorin namin ang pelikula ay tinitilian talaga ang dalawa na kayang-kaya pa ring kabugin ang bagong love teams sa big screen. Tama ang sinabi ni Ian nang makausap namin kaugnay sa promo ng kanilang pelikula ay talagang nagri-reflect sa screen kung paano raw sila nag-eenjoy ni Jodi sa kanilang trabaho. Pati nga raw sila mismo ay kinikilig na rin sa isa’t isa, but still ang friendship nila sa isa’t isa ay nandu’n talaga, huh!

Kumbaga, kahit parang may sexual tension ang dating ng roles nila at parang forbidden love, nagagawa pa rin nila professionally ang hinahanap na kilig sa kanila. Dahil marami ang natutuwa at kinikilig, tiyak na lalo pang dadami ang mga tagahanga ng tambalan nila.

Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos

Kumpara sa seryeng Pangako Sa ‘Yo, light lang ang role nina Jodi at Ian sa All You Need is Pag-ibig. Pero malakas pa rin talaga ang kilig dahil hinaluan pa ng kuwelang kantahan moment na game na game naman nilang nagawa.

Kuwento ni Ian, inalaska siya ng kanyang mga anak kapag nakikita ang billboard ng movie. Tanggap naman ng actor na kailangan niya ang extra effort sa kilig scenes dahil tumatanda na raw siya. Pero labis ang pasasalamat niya sa fans na tumatangkilik pa rin sa kanya hanggang ngayon.

Bakasyon kasama ang buong pamilya ang wish ni Ian ngayong 2016 pagkatapos ng kanyang trabaho sa Pangako Sa ‘Yo.

Samantala, halos lahat ng mga nakapanood ng All You Need is Pag-ibig ay napahanga sa kakaibang ganda ng pagkagawa ng pelikula. Siyempre, sa magaling na henyong direktor na si Direk Antoinette Jadaone under Star Cinema.

(JIMI ESCALA)