Macarine (photo for page 16 banner story) copy

Pinoy swimmer, 3rd placer sa WOWSA Man of the Year.

Itinanghal si Attorney Ingemar Macarine, bilang 3rd placer sa ginanap na World Open Water Swimming Association (WOWSA) Man of the Year Awards na ginanap sa Huntington, California, USA.

Si Macarine ay tinaguriang Pinoy “aquaman”.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Si Mexican swimmer Antonio Arguelles ang tinanghal na WOWSA Man of the Year.

Base sa opisyal na resulta na ipinalabas ng WOWSA, humakot ng 13,200 online votes si Arguelles na sinundan ng 5,042 boto para kay Christof Wandratsch ng Germany at pangatlo si Atty. Macarine.

Si Macarine ang isa sa 12 swimmers sa buong mundo na napili para sa kandidato sa taunang WOWSA Man of the Year Awards at siya lang ang natatanging Filipino at Southeast Asian na nakatanggap ng nabanggit na parangal.

Sumunod kay Atty. Macarine ang mga swimmer ng India, United States of America, Macedonia, Italy, Great Britain, Czech Republic, Hungary, France at isa pang taga-Britanya.

Una nang nilinaw ni Atty. Macarine na isa siya sa 12 nominees dahil sa kanyang mga paglangoy hindi lamang sa Pilipinas at sa Amerika, na naglalayong i-promote ang marine conservation o kalinisan ng karagatan.

Gagawin ang awarding ceremony sa United Kingdom. (Bombo Radyo)