Kumita man o hindi, nais ng isang kongresista na ipalabas ang mga lokal na pelikula pitong araw kada buwan sa mga sinehan sa buong bansa.

Sinabi ni Laguna Rep. Dan Fernandez na ang regular na pagpapalabas ng mga lokal na pelikula sa mga sinehan ay malaking tulong sa industriya na naghihikahos dahil sa pamamayagpag ng mga foreign movie sa Pilipinas.

Sa kanyang inihaing House Bill 6300, sinabi ng dating aktor na oobligahin ang mga movie theater operator na magpalabas ng mga local film nang hindi bababa sa pitong araw, kumita man ang mga ito o hindi.

Aniya, dapat suportahan ng iba’t ibang sektor ang panukala dahil maeengganyo maging ang kabataan na panoorin ang mga pelikulang Pinoy movie at maitanim sa kanilang isipan ang kahalagahan ng pagmamahal sa Inang Bayan.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Bukod dito, magkakaroon din ng inspirasyon ang mga movie producer na lumikha ng mas maraming pelikula na magbubunsod ng karagdagang trabaho.

Nakabimbin ngayon sa House Committee on Public Information ang HB 6300 o Local Movies Act, na oobliga sa mga movie theater operator na paghatian ang paglalabas ng mga pelikula—50 porsiyento para sa local films at 50% sa foreign films.

Ayon sa HB 6300, mahigpit na susubaybayan ng Film Academy Council of the Philippines (FACP) ang mga lalabag na pagmumultahin ng P1,000, sasampahan ng kasong kriminal o administratibo, o posibleng ipasara ang pasaway na sinehan.

(Ben Rosario)