Umiskor si Klay Thompson ng kabuuang 38-puntos at humatak ng 7 rebound habang itinala ni Draymond Green ang kanyang ikalimang NBA-leading ikalimang triple-double kaya agad na naitanong kung dapat na mag-alala si Stephen Curry na maagaw nito ang responsibilidad bilang point guard habang hindi makalalaro ang NBA MVP dahil sa leg injury.

‘’I don’t think Steph Curry got to worry about too much of nothing,’’ sabi ni Green.

Itinala ni Green ang career-high 16 assist at nagagdag ng 10puntos at 11 rebound upang tulungan ang Golden State Warriors na laktawan ang pagkawala ni Curry para talunin ang Houston Rockets, 114-110, noong Huwebes ng gabi sa Toyota Center.

‘’I just tried to step up and make plays,’’ sabi pa ni Green. ‘’One thing we talked about was kind of trying to slow the pace of the game down and executing our offense.’’

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakaahon ang Golden State matapos itong makalasap ng masaklap na kabiguan sa Dallas noong Miyerkules para sa ikalawa nitong kabiguan sa season matapos na hindi makalaro si Curry sa una nitong laro sapul noong Marso 13 dahil sa namamaga na lower leg.

Sinandigan ng Warriors upang lampasan ang Rockets ang matinding paglalaro ni Thompson, na naghulog ng anim na tres.

‘’Last night was embarrassing,’’ sabi ni Thompson. ‘’We had every excuse in the world, but we didn’t want to come away 0-2 so we figured out this would be a much bigger statement win if we responded like we did and won with playing 10 guys.’’

Huling nakalapit ang Houston sa tatlong puntos na paghahabol mula sa jump shot ni James Harden mahigit pa sa 5 minuto sa laro bago umiskor ang Golden State nang anim na sunod na puntos, tampok ang alley-oop dunk mula kay Andre Iguodala para sa 111-102.

Nagsimula sa ikalawang pagkakataon si Shaun Livingston sa season kapalit ni Curry, na na-injured Lunes ng gabi kontra Sacramento, at tumapos lamang na may 13-puntos. Sinabi ni Interim coach Luke Walton na maayos ang pakiramdan ni Curry noong Huwebes bagaman hindi handa na maglaro.

Abante pa ang Houston ng tatlong puntos sa huling 3 minuto sa ikatlong yugto matapos umatake ang Golden State sa paghulog ng 10 sunod na puntos para sa 88-80 abante sa huling minutong yugto.

Naghulog si Thompson ng limang sunod na puntos at nagbigay si Iguodala ng isang 3-pointer bago kinumpleto ni James Michael McAdoo ng isang dunk dahil sa isang turnover ni Ty Lawson.

‘’We’re just inconsistent,’’ sabi lamang ni Harden. ‘’We played a pretty good game up until the end of the third quarter when they went on that run. Just giving up small buckets like that to a really good team (is) something you couldn’t really do.’’

Umangat ang Golden State sa kabuuang 30-2 panalo-talong karta habang nahulog ang Houston sa 16-18 rekord.

(Angie Oredo)