VATICAN CITY (AP) – Naghahangad ng mas mabuting taon kaysa 2015, nanawagan si Pope Francis na tuldukan na ang “arrogance of the powerful” na naghihiwalay sa mga kapus-palad sa lipunan, at ang “false neutrality” sa mga kaguluhan, pagkagutom, at deskriminasyon na nagbubunsod ng paglikas ng mga refugee.
Sa kanyang homily para sa Bagong Taon, binigyang-diin ng Papa ang pangangailangan “[to] let ourselves be reborn, to overcome the indifference which blocks solidarity, and to leave behind the false neutrality which prevents sharing.”
Nagbabala si Pope Francis na ang “enemy of peace isn’t only war, but also indifference”, at kinondena niya ang “barriers, suspicions, fears and closures” sa kapwa.
Matapos magdaos ng misa, nagtungo ang Papa sa bintana ng Vatican palazzo na nakatunghay sa St. Peter’s Square upang basbasan ang libu-libong nagtipun-tipon doon.