VATICAN CITY (Reuters) – Dapat bigyan ng media ng mas malaking puwang ang mga positibo at inspirational na istorya upang malabanan ang pangingibabaw ng kasamaan, karahasan at poot sa mundo, sinabi ni Pope Francis noong Huwebes sa kanyang year-end message.
Pinangunahan ni Francis ang halos 10,000 mananampalataya sa tradisyunal na year-end solemn “Te Deum” vespers service ng pasasalamat sa St. Peter’s Basilica.
Sa kanyang maikling homily, sinabi ni Francis na nasaksihan sa lumipas na taon ang maraming trahedya.
“(There has been) violence, death, unspeakable suffering by so many innocent people, refugees forced to leaves their countries, men, women and children without homes, food or means of support,” aniya.
Ngunit sinabi niya na mayroon ding “so many great gestures of goodness” upang tulungan ang mga nangangailangan, “even if they are not on television news programs (because) good things don’t make news”.
Sinabi niya na hindi dapat hayaan ng media na matabunan ng “arrogance of evil” ang mabubuting gawa.
Kinondena ng Argentine pope ang “insatiable thirst for power and gratuitous violence” na nasaksihan ng mundo noong 2015, nang hindi nagbibigay ng halimbawa.
Nagdaos ang 79-anyos na papa ng Misa sa basilica nitong Biyernes para gunitain ang World Day of Peace ng Simbahang Katoliko.