Patuloy ang mga pagsisikap na gawing moderno at magkaroon ng dagdag na kagamitan ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa.
Inihayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Senen Sarmiento sa kanyang pagbisita sa Zamboanga City noong Miyerkules, binanggit na kabilang sa bibilhing kagamitan ang mga handheld radio transceiver, at side arm, rifle. Magtatayo rin ng mga bagong police station at crime laboratory.
Bumisita sa Zamboanga si Sarmiento para ibigay ang 42 “Mahindra” vehicle na nagkakahalaga ng P37.5 million sa Police Regional Office (PRO) - 9.
Sinabi ni Sarmiento na naglaan ang ahensiya ng P800 milyon para sa pagbili ng mga communication equipment upang matiyak na ang lahat ng nagpapatrulyang pulis ay mayroong handheld radio transceiver at 15,000 handgun na ibibigay sa mga bagong pulis at 30,000 M4 rifle para palitan ang M-16 Armalite rifle.
Kukuha rin ang DILG ng 10,000 pulis. (PNA)