NABIGYAN kami ng pagkakataon na makapalitan ng text messages ang isa sa members ng executive committee ng Metro Manila Film Festival (MMFF) at naiparating namin sa kanya ang malaking tanong kung bakit after na mag-release sila ng first day box-office gross ng walong entries sa festival, hindi na iyon nasundan.

Ang huling lumabas na figures, for December 25–29 ay may gross na P547-million ang top four movies.

Ito ang reply niya sa aming text message: “MMFF does not reveal the individual results. It’s a matter of protecting the producers, the top 4 and the bottom 4. So we stick with the total gross. The official 5-day result of the 8 festival films is P547-million. It’s P16-million higher than last year.”

Walang katiyakan kung mabibigyan niya muli kami ng updates sa gross income ng MMFF, pero ang latest na nalaman namin ay sa January 7 nila iri-release ang total box office gross sa January 7.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

How come, samantalang hanggang January 7 pa ang showing ng mga movies ng MMFF?

Napaisip na lamang kami sa sinabi niyang ‘we are protecting the producers’. Sino at bakit kailangang protektahan ang producers na ito? Taun-taon naman talaga sa festival, laging may top grosser at mayroong natatanggal agad sa mga sinehan kapag mahina ang box office returns.

At totoo palang bawal silang magsalita tungkol dito, kaya hindi na namin binanggit kung sino ang nakausap namin.

Last Wednesday, isa namang producer ang na-meet namin na may filmfest entry at siya ang natanong namin kung anu-ano ang top 4 movies. Nagreklamo rin pala siya dahil bumaba sa top 4 ang entry niya nang umakyat ang isang entry, samantalang hindi nawala sa list ang movie na hindi naman kumikita.

At ito raw ang top 4 in particular order: My Bebe Love KiligPaMore, Beauty and The Bestie, Haunted Mansion at WalangForever. (NORA CALDERON)