Umapela ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na respetuhin ang mga inilagay na plastic road barrier sa EDSA, na nagsisilbing giya sa mga sasakyan.

Sinabi ni Crisanto Saruca, hepe ng MMDA-Traffic Discipline Office, na nakatanggap sila ng mga ulat na sadyang sinasagasaan ng mga motorista ang mga plastic barrier, lalo na kapag gabi.

“Wala na ba talaga tayong disiplina?” tanong ni Saruca.

Aniya, halos araw-araw na nilang inaayos ang pagkakalinya ng mga plastic barrier matapos itong sagasaan ng mga pasaway na motorista.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Aniya, epektibo ang mga plastic barrier laban sa swerving o paglilipat ng lane ng mga sasakyan na karaniwang pinag-uugatan ng trapiko. (Anna Liza Villas-Alavaren)