Umabot na sa tumataginting na P622 milyon ang kinita ng mga pelikula sa 41st Metro Manila Film Festival sa ikaanim na araw ng pagpapalabas ng mga ito sa mga sinehan sa Metro Manila.

Sinabi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Emerson Carlos, na chairman din ng MMFF, na mas mataas ito sa P598 milyon na kinita ng MMFF noong nakaraang taon.

Kabilang sa mga entry na pinakamalakas tumabo ay ang “My Bebe Love”, “Beauty and the Bestie”, “#Walang Forever”, at “Haunted Mansion”.

Ang iba pang pelikula sa 2015 MMFF ay ang kontrobersiyal na “Honor Thy Father”, “Nilalang”, “All You Need is Pag-ibig” at “Buy Now, Die Later”.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nagsimula ang taunang film festival noong Disyembre 25 at ito ay magtatapos sa Enero 7, 2016.

Naalog din sa kontrobersiya ang MMFF matapos diskuwalipikahin ang “Honor Thy Father” sa Best Picture category sa awards night dahil lumahok na ang naturang pelikula sa ibang international film festival.

“We stand firm on the decisions made for the MMFF in the awards night. ‘Honor Thy Father’ was disqualified for the reason that it was already shown in other film festivals, which is in violation of MMFF rules. This is not a decision of one single person alone, but of a collegial body, the MMFF Execom,“ ayon kay Carlos.

Binigyang-diin ng MMFF chairman na nais lang nilang pangalagaan ang integridad ng taunang film festival, at sinabing hindi nababahala ang liderato ng MMFF sa banta ng film producer ng “Honor Thy Father” na magsasampa iyo ng demanda laban sa mga organizer ng film fest. (Anna Liza Villas-Alavaren)