Inutusan ang Supreme Court (SC) ang DMCI Corp.-Project Developers Inc. (DMCI-PI) na tiyakin na ligtas at napapanatiling maayos ang Torre de Manila upang maiwasan ang anumang aksidente na ikapapahamak ng publiko.

Sa apat na pahinang en banc resolution na may petsang Disyembre 8, 2015, inatasan ng SC ang DMCI na magsagawa ng mga kinakailangang safety measures para sa gusali kahit pa ipinatigil na ang konstruksiyon nito.

“The Court Authorizes and Directs DMCI-PI to conduct the necessary safety and maintenance works on the Torre de Manila to prevent damages itself and to the public, until further orders from this Court,” sinabi ng SC. (PNA)
Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador