Superman vs Batman copy

MAGIGING kapana-panabik ang unang kalahati ng bagong taon dahil sa Hollywood films. Naging maganda ang pagtatapos ng 2015 dulot ng Star Wars Episode VII: The Force Awakens na nagkaroon ng “biggest opening weekend in galactic history,” at inilarawan ng Jurassic World producer na si Frank Marshall, na naungusan ang record ng kanyang dinosaur movie nang ilabas ang bagong space saga nitong kalagitnaan ng Disyembre.

Mula sa action-drama at superhero blockbusters, sa comedies, rom-coms at isang simpleng love story, narito ang ilan sa mga pelikulang aabangan ngayong taon.

‘13 Hours: The secret soldiers of Benghazi’

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Batay sa librong 13 Hours ni Mitchell Zuckoff, umiikot ang istorya sa anim na miyembro ng CIA security team — dating Navy SEALS, Marine Corps and Army Special Forces — na nagtanggol sa American ambassador at kanyang staff nang salakayin ang American diplomatic compound sa Benghazi, Libya ng mga militante noong gabi ng Setyembre 11, 2012, ang ika-11 taong anibersaryo ng pag-atake sa U.S.

‘How to be single’

Rom-com na hinalaw sa isang nobela na maaari lamang ilarawan bilang chick lit. Ang pelikula ay umiikot sa karakter ni Wilson (na may mga pagkakataon na parang adlib ang kanyang mga dialogue); at ang pagiging wide-eyed innocent ni Johnson (hindi kasama ang 50 Shades of Grey,).

‘Deadpool’

Kapag Marvel, asahan na ang superhero action at kaunting tawanan. Hindi masyado nakapuntos si Ryan Reynolds sa mga manonood nang gampanan niya ang isang superhero (Green Lantern noong 2011) ngunit muli siyang binigyan ng pagkakataon. Gumanap siya bilang Special Forces operative na si Wade Wilson at ito ay tiyak na pupuntos dahil maganda.

‘Batman V Superman:

Dawn of Justice’

Ano ang mangyayari kapag ang mga superhero na may gold-like powers ay hinayaan sa anumang nais nilang gawin? Sagot: Si Batman! Hindi na siya magiging ganoon, at hindi siya tagahanga ni Superman.

‘The Divergent series:

Allegiant’

Mangingibabaw ang aksiyon at mas tataas ang pusta sa pagtakas ni Tris (Woodley) kasama si Four (James) sa likod ng mga Wall na pinalilibutan ng Chicago upang madiskubre ang hindi kapani-paniwalang katotohanan. Dahil dito ay masusubok ang katapangan, katapatan, pagmamahal at kayang ibigay na sakripisyo ni Tris.

 

‘Midnight Special’

Isang sci-fi thriller ang mapapanood ngayong taon. Sinulat at binuo ni Jeff Nichols, na ang tatlong feature films na Shotgun Stories, Take Shelter at Mud ay nakatanggap ng plaudits mula sa mga kritiko, ang kanyang ikaapat na pelikula ay tungkol kay Roy (Shannon) isang ama na pinprotektahan ang kanyang anak na si Alton (Lieberher) na may special powers.

‘X-Men: Apocalypse’

Sinasamba bilang diyos, si Apocalypse Isaac, na gumanap din bilang X-Wing fighter pilot Poe Dameron sa Star Wars: The Force Awakens — ang una at pinakamakapangyarihang mutant sa X-Men universe — ay immortal at invincible.

MB Entertainment