Maaaring kinasanayan na ng marami na masaksihan ang mga ikinakasal na naghahagikgikan, nag-iiyakan at naglalandian habang nasa kalagitnaan ng seremonya.
Sinabi ni Lingayen-Dagupan Archbisop Socrates Villegas, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), na ang ganitong mga kilos ay pinapayagan ng simbahan habang ikinakasal ang dalawang nagmamahalan.
“Let us not compromise the sacred character of the wedding rites on the altar of romanticism,” ipinaskil ni Villegas sa kanyang Facebook account.
Sa halip na ipamalas ang kanilang emosyon sa isa’t isa sa kalagitnaan ng liturhiya, sinabi ni Villegas na dapat na sa reception na lang gawin ang mga ito.
“The officiating priests who will be asked about the propriety of inserting personal vows in the wedding liturgy can advise the couples to read their vows at the wedding reception but certainly not in the church,” aniya.
(Raymund F. Antonio)