Alam n’yo ba na anim talaga ang hari at hindi lang tatlo? Talo lamang ang nakarating sa Betlehem. Ang ikaapat ay hindi umabot at nakarating ng USA; ang ikalima ay nakarating ng China at ang ikaanim ay sa Pilipinas. Ito ay sina: BURGER KING, CHOWKING at TAPA KING, ayon sa pagkakasunod.

Puwera biro, bukas ay ipagdiriwang natin ang kapistahan ng Magi o Epiphany. to ay tinawag na “epiphany” dahil isiniwalat ni Jesus ang kanyang pagkatao hindi lamang sa mga Hudyo, kundi maging ang mga bisitang Pagano. Epiphany – sa salitang Griyego ito ay “epiphanein”—na ang ibig sabihin ay “senyales”.

Itinuturo sa atin ng Ebanghelyo na ang pagpapakasakit ni Kristo ay PANGKALAHATAN, na niyayakap ang lahat ng tao.

Kaya, ang mga itinuturo sa ilang simbahan na sila—at sila lamang—ang maliligtas ay malinaw na sumasalungat sa turo ng Diyos.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Ang isa pang bagay na nais kong linawain ay ang maling pag-aakala na ang misteryosong personahe.

Ayon sa sinulat ni Matthew: “When Jesus was born in Bethlehem of Judea...behold, Magi came from the East to Jerusalem…” (Mt 2,2).

Ang Magi ay binubuo ng matatalinong lalaki o enlightened astrologers, hindi ang mga manghuhula na pamilyar sa atin.

Ang mga lalaking iyon ay naging “hari” sa parehong paniniwala na dahil sa corrupt interpretation ng isang messianic prophecy sa Lumang Tipan, kaya: “The Kings of Tharsis and the islands shall offer gifts.” (Ps 72).

Ano ang mensahe ng Magi episode sa ating buhay? Ayon kay Matthew, ang mga lalaki ay naghanap ng bagong silang na anak. Ang paghahanap ay kinakailangan ng sapat na katapangan at pagsisikap.

Sa praktikal na buhay, kinakailangan ng matibay na tiwala upang maging matibay ang pananalig sa religious principles at mapagsumikapan ang moral integrity. (Fr. Bel San Luis, SVD)