TACLOBAN CITY, Leyte – Hindi happy ang New Year para sa 83 pamilya sa siyudad na ito matapos na masunog ang kanilang mga bahay sa kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon nitong Huwebes ng gabi.

Ayon kay Tacloban City acting Vice Mayor Jerry S. Uy, natupok ang mga bahay sa Barangay 58 sa Pericohon District noong Huwebes ng hatinggabi, habang masayang sinasalubong ng mga residente ang 2016.

Aniya, walang nasugatan sa sunog, na agad ding nakontrol ng mga bombero.

Inilikas ang mga nasunugan sa Redemptorist Parish Social Hall at sa Tacloban City Astrodome.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinabi ni Tacloban City Police director Senior Supt. Domingo S. Cabillan na paputok ang pinagsimulan ng pagliliyab.

Aniya, tumama sa isang bahay ang isang sinindihang paputok at agad na nagliyab ito at mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay. (Nestor L. Abrematea)