May naitalang apat na bagong Guiness World Record ang Iglesia ni Cristo (INC) sa pagpasok ng 2016.

Ito ay kinabibilangan ng “Largest Paying Audience for a Movie Premier” para sa pelikulang “Felix Manalo”; “The Most Number of Sparklers Lit in Relay”; “The Most Number of Sparklers Lit Simultaneously”; at “Largest Fireworks Display.”

Ayon sa INC, inihayag ang record sa “Largest Paying Audience for a Movie Premier” ng mga kinatawan ng Guinness noong Disyembre 31.

Ang pelikulang “Felix Manalo” ay hango sa makulay at makasaysayang buhay ng unang executive minister ng sekta.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Ang tatlong iba pang record ay ipinagkaloob kahapon ni Christina Conlon, official adjudicator ng Guinness World Records.

Ayon kay Bro. Edwil Zabala, tagapagsalita ng INC, mahigit 2,000 ang nakibahagi sa pangalawa at ikatlong record na nasungkit ng Guinness record.

“Ang dalawa ay may kinalaman sa pagpapailaw ng luces,” ayon kay Zabala.

Sa titulong “Largest Fireworks Display,” sinabi ni Zabala na ang mga empleyado ng isang kumpanya ng paputok ang nangasiwa sa maselang operasyon nito.

Ginanap sa Ciudad de Victoria, na naroon ang Philippine Arena, ang bonggang fireworks display ay bahagi ng taunang selebrasyon ng INC sa Bagong Taon na tumatagal ng dalawang araw, Disyembre 31 hanggang Enero 1.

(Leslie Ann G. Aquino)