Ni Nora Calderon
PAGKATAPOS ng seryosong drama serye na Beautiful Strangers, papasok naman ang si Christopher de Leon sa family serye na Little Nanay.
Nag-taping na si Boyet ng mga eksena niya last Monday at masayang-masaya raw sa set. Kanya-kanyang post sa kani-kanilang Instagram account ang mga kasama sa taping dahil matagal-tagal na rin at ngayon lamang muling magkakasama sina Boyet at Nora Aunor,
Siyempre pa, ang tuwang-tuwa ay ang director na si Ricky Davao hindi niya in-expect na pagsasama-samahin sa kanyang serye ang mahuhusay na actor, Nora Aunor, Christopher de Leon, Bembol Roco at Eddie Garcia.
Kinagigiliwan gabi-gabi sa GMA-7 pagkatapos ng Marimar ang Little Nanay dahil sa naiibang story ng isang 26 year-old girl with a 7 year-old mind, na ginagampanan ni Kris Bernal at ng anak niyang seven-year old din, si Chalue Malayao.
Palaban na lola si Annie (Nora Aunor) at si Lolo Berto (Bembol) ang laging umiintindi sa mga nangyayari sa kanilang pamilya. Palaisipan pa kung ano ang gagawin ng role ni Eddie Garcia na hindi alam na tunay niyang apo sina Tinay (Kris) at Chie-Chie (Chlaue)
Gagampanan ni Boyet ang role ng isang lawyer. Siya kaya ang magiging lawyer ni Archie (Hiro Peralta) para pawalang-bisa ang kasal nila ni Tinay? Papayag kaya ang pamilya ni Tinay, lalo pa at palaban din ang mga kapatid niyang sina Bruce (Juancho Trivino) at Peter (Mark Herras) kaya parang nakikini-kinita namin kung paano susugurin ni Annie si Attorney kapag nagkataon. This week, papasok na ang bagong character na gagampanan ni Christopher de Leon, happy watching!