ORAS na para sa lahat, maging ang mga sikat, na uminom ng champagne at magnilay-nilay kung anu-ano ang mga dapat baguhin sa buhay sa pagpasok ng Bagong Taon.

At narito ang ilan sa mga suggested New Year’s resolution para sa mga celebrity.

1. Ariana Grande: I will actually try a doughnut before dissing people who eat them.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang isang video ni Ariana na habang kumakain ng doughnut sa counter ng isang snack shop sa Lake Elsinore, California noong Hulyo 4 ay sinasabing, “I hate Americans. I hate America,” na ang punto niya naman talaga ay dapat magbawas sa pagkain ng matatamis ang mga taga-United States.

Events

Sa pagtakbong senador ni Willie: Wil To Win, magpapatuloy pa ba sa ere?

2. Justin Theroux: I will get Jennifer Aniston to join Instagram.

Nang magkaroon ng Instagram account ang asawa ni Jennifer Anniston na si Justin Theroux nitong Disyembre, umasa ang mga tao na gagawa rin ng account si Jennifer. Sa ngayon ay hindi pa rin ito gumagawa.

3. Kylie Jenner: I will use my new powers for good.

Ngayong taon, si Kylie Jenner ang naging pinakasikat sa mga Kardashian. Siya ang pinakasikat sa magkakapatid at may pinakamaraming follower sa Instagram—maliban kay Kim Kardashian.

4. Taylor Swift: I will continue to write amazing songs, even though I’m blissfully in love.

Naging patok ang mga album ni Taylor Swift na ang mga naging inspirasyon ay ang mga dati niyang kasintahan, kabilang sina Taylor Lautner (Back to December), Harry Styles (I Knew You Were Trouble), at John Mayer (Dear John).

5. Justin Bieber: I will stop with the Selena Gomez obsession.

Hindi magandang tingnan ang pagbabahagi ni Justin Bieber ng mga luma nilang larawan ng dating kasintahan na si Selena Gomez sa social media. May larawan din kung saan hinaharana niya ng My Girl si Selena sa isang bar at pagkukuwento tungkol sa kanya sa mga interview, matapos nilang sabihin na tinuldukan na nila ang kanilang relasyon. - Yahoo News/Celebrity