SPEED MEMBERS copy

MATAGAL nang binalak buuin ang samahan ng entertainment editors. Mahigit sampung taon na ang nakararaan, naikasa ang Society of Entertainment Editors (SEED) pero nagkatotoo ang prediksiyon ng ilang entertainment industry stakeholders na hindi ito magtutuluy-tuloy. 

Tama sila, mahirap iorganisa ang mga taong bukod sa busy sa trabaho at napakarami pang ibang mga bagay, puro pa independent-minded. Hindi mo raw matatagpuan ang mga agila na nagkukumpul-kumpol.

Layon sana naming mabuo ang society upang magkaroon ng mas malalim na bonding ang aming hanay, at makabuo man lamang ng agenda kung paano kami mas makatutulong sa pag-unlad ng entertainment industry. 

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sa loob ng sampung taon, pinaniwalaan na naming imposible talagang mabuo ang samahan ng mga editor. “Wala pang ganyan,” sabi nga ni Manay Ethel Ramos, ang kinikilalang dean of entertainment writers. 

Pero sa isang iglap, bigla na lang itong nabuo -- at agaran ding nakapagdaos ng Christmas Party. 

Motherly touch “lang” pala ng grupo ng female entertainment editors ang hinihintay, kaya tuluyan nang tumubo ang “seed” na ngayon ay tinawag nang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED). 

Sa pagsasama-sama at bonding pa lamang sa unang event ng SPEED ng corporate communication heads ng tatlong major television networks -- sina Kane Choa ng ABS-CBN, Angel Javier Cruz ng GMA Network at Peachy Guioguio ng TV5 kasama ang kani-kanilang staffs -- nababanaag na ang matatamis na ibubunga ng bagong halaman sa industriya.

Bukod sa nagkakaisang mga kasama, ipinagpapasalamat ng SPEED ang matagumpay ng unang okasyon ng grupo sa mga sumusunod: Mr. Ryan Chan, COO ng B Hotel at sa manager nitong si Carlo Librea, Ms. Suzette Morelos, at Nickie Wang (The Standard), Euden Valdez (The Manila Times) at Kat Llemit (The Tribune) – na umalalay sa grupo bilang bahagi ng reception committee.

Maraming salamat din sa nagsilbing mga ninong at ninang ng SPEED, Manay Ethel Ramos, Chuck Gomez, Perry Lansigan, Mario Dumaual, Jon Hernandez, Arnold Reyes, Ms. Mons Romulo, Edd Fuentes, Kaye at Yugel Losorata, Lendl Fabella, Pauline Ducay, Jeanne Tan, Innah Montes, Jhops Cruz, Thess Gubi, Aaron Domingo, Gel Ybardolaza, Onel Velarde, Marianne de Vera, Tinnie Esguerra, Del-z Agapito, Clark Wittich, Archie Francescan, Robbie

Pangilinan, Teddy Pereñe, Chris Librojo, Jerome Samson, Joel Navarro, Carlos Arenas, Vanessa Flores, NJ Torres, Ane Manansala, Chino Sarenas, Arlene Meyer, Danish Romeron, Ruel Timbol, Rodel Pepono, August Pineda, NJ Torres. Ganoon din kay Ms. Pinky Fernando ng D’ Fernando’s Bake Shop at Benj Agustin ng Manila Bulletin, Chris Cahilig, Arnold Reyes, Jobert Sucaldito, Jojo Gabinete, at Ernie Duque.

Maraming salamat din sa pagdalo ng 1:4:3 and JBK group, kina Edward Benosa, Michael Pangilinan, Migz Haleco & Maya, at sa magician na sina Migz Ala Kim, Michael Angelo, Rafael Rosell, Jonalyn Viray, at Dessa na nagpaunlak mag-perform. Happy New Year! (DINDO M. BALARES)