CALASIAO, Pangasinan – Agad na nasawi ang isang pulis habang sugatan naman ang kasama niyang mag-asawa matapos silang maaksidente kahapon ng medaling araw sa Barangay Buenlag sa bayang ito.

Nabatid sa report ni Supt. Ferdinand “Bingo” de Asis, tagapagsalita ng Pangasinan Police Provincial Office, na nangyari ang aksidente dakong 12:35 ng umaga kahapon.

Agad na nasawi si PO1 James Cayago, nakatalaga sa Police Regional Office (PRO)-3, habang isinugod naman sa pagamutan ang mag-asawang sina Jomel at Susana Tamayo, ng Bgy. Ano, San Carlos City.

Batay sa ulat, bumibiyahe ang Mitsubishi Lancer (TKR-284), na minamaneho ni Cayago, sakay ang mag-asawa nang bigla itong lumiko at nabangga ang nakaparadang Maton MTC at Toyota Grandia. (Liezle Basa Iñigo)
Probinsya

Problema ng pagbaha sa Rizal, dapat pangunahan ng angkan ng Ynares at Duavit —De Guzman