Enero 1, 1804 nang ideklara ni Jean-Jacques Dessalines ang kalayaan ng Haiti (noon ay tinatawag na Saint-Domingue) mula sa mga Pranses, dalawang buwan matapos matalo ang tropa ni Napoleon Bonaparte.
Taong 1791 nang nagtatag ang dating alipin na si Toussaint-Louverture ng epektibong pakikibakang guerilla laban sa mga mananakop na Pranses sa isla. Pinalaya ni Toussaint ang mga alipin ng isla noong 1801 matapos siyang maging gobernador-heneral.
Inihayag ni Bonaparte ang kanyang plano na muling ibalik ang pang-aalipin sa kolonya matapos maaresto si Toussant noong 1803.
Matapos maging malaya ang bansa, idineklara ni Dessalines ang sarili bilang si Emperor Jacques I, at naging malupit na pinuno. Pinatay siya sa isang rebolusyon sa Pont Rouge, Haiti noong Oktubre 17, 1806.