Joshua Garcia

BIBIGYANG buhay ni Joshua Garcia ang kuwento ng isang anak at kapatid na handang gawin ang lahat para sa pamilya sa kanyang unang Maalaala Mo Kaya episode na mapapanood ngayong Sabado (Jan 2).

 Parehong pastor ang ama’t ina ni Pablo (Joshua) na sina Benjamin (Dominic Ochoa) at Rita (Assunta de Rossi), kaya masaya at kuntento siya sa kanilang buhay kasama ang kanyang mga kapatid. Ngunit nagbago ang lahat nang kupkupin nila si Simon (Arjo Atayde).

 Sa pagdating ni Simon, napansin ni Pablo ang kakaibang mga pangyayari sa kanilang tahanan, kabilang na ang pagbabago ng pakikitungo ng kanyang ina sa ama. 

Tsika at Intriga

'Pinayanig mo ang Pilipinas!' Maris, naunahan daw mag-launch ni Jam?

Isang gabi, nagulat na lamang sila nang matagpuang patay na si Benjamin, at si Simon ang itinuturong suspek. Nakakita rin sila ng mga kagamitang pangritwal mula kay Simon at ayon sa mga nakatatanda, ginamit ang mga iyon upang mapaibig si Rita.

 

Mailigtas pa kaya ni Pablo ang kanyang pamilya mula sa kapahamakan? Matulungan pa kaya ni Pablo ang kanyang ina na kalimutan si Simon?

 

Tampok din sa episode sina Izzy Canillo, Devon Seron, Celine Lim, Kyline Alcantara, Rhed Bustamante, Gerald Pesigan Gerard Pizzaras, at Dianne Medina, mula sa panulat ni Benson Logronio at sa direksiyon ni Raz dela Torre.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, MMK, tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag-log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang Facebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na #MMKTheGuest.

Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng MMK gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamangsawww.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.