John Lloyd, Dondon at Erik copy

HINDI itinanggi ng Reality Entertainment producer sna si Dondon Monteverde na labis na nasaktan ang bida ng Honor Thy Father na si John Lloyd Cruz sa nangyari sa pelikula nila.

Matatandaang sinabi naman ng aktor sa kanilang grand presscon na hindi naman siya umasa sa awards basta’t gusto lang niyang mapanood ng marami ang pelikula at siyempre, kumita ito.

Nasabi iyon ni JLC dahil alam niyang magaganda at magagaling ang mga artistang kasama sa Metro Manila Film Festival, pero hindi naman siyempre nila inaasahan na iiitsa-puwera sila sa Best Picture category.

Human-Interest

Ang 'conclave' at ang pagpili sa susunod na Santo Papa

Sa interbyu kay Dondon sa Tonight With Boy Abunda, inamin niyang magpapalamig muna si Lloydie.

“Siyempre, bibigyan natin talaga ng konting panahon si John Lloyd din na lumamig,” sabi ni Dondon. “Mahalaga sa kanya itong pelikula na ‘to. In fact, alam naman natin, sa pelikulang ito, nagpakalbo pa siya, ibinigay niya ang lahat dito sa movie na ito.

“Siyempre, sa sinapit ng movie na ito, siyempre, masakit para sa kanya. Parang ngayon, naintindihan niya ‘yung plight ng mga executive producers na tulad ko na masakit ‘pag tinatamaan o inaapi, parang ganu’n,” kuwento ng producer. (REGGEE BONOAN)