Umabot na sa 11 katao, kabilang ang isang opisyal ng Philippine Army, ang napatay sa panibagong bakbakan ng puwersa ng gobyerno at ng Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng Western Mindanao Command (WesMinCom), kumpirmadong patay ang 10 bandido habang isang Army lieutenant din ang nasawi nang sumiklab ang bakbakan sa Sitio Sangay, Barangay Buhanginan, Patikul, noong Miyerkules.

Ayon kay Maj. Filemon Tan, tagapagsalita ng WesMinCom, umabot din sa 15 ang mga bandidong nasugatan sa insidente habang anim naman sa hanay ng mga sundalo.

Ang mga sugatang sundalo ay kasalukuyang ginagamot sa Kutang Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital sa Jolo, Sulu.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sa ulat ng Philippine Army, nagkasagupa ang mahigit 100 bandidong Abu Sayyaf, sa ilalim ni Commander Hajan Sawadjaan, ang mga sundalo ng First Scout Ranger Battalion.

Nakilala ang napatay na si 2Lt.Ronald Detalla ng First Scout Ranger Battalion.

Nagpapatuloy ang pagtugis ng mga sundalo sa mga bandido sa lugar, ayon sa Philippine Army report. - Fer Taboy