CAMP GENERAL SIMEON OLA, Legazpi City – Isang barangay chairman sa bayan ng Castilla sa Sorsogon ang binaril at napatay ng hindi nakilalang suspek nitong Miyerkules, habang pauwi galing sa sabungan sa Barangay Dinapa sa Castilla.

Kinilala ni Senior Insp. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-5, ang biktimang si Recto Enovejas, chairman ng Bgy. Macalaya sa Castilla.

Ayon sa imbestigasyon, naghihintay ang biktima sa kanyang service vehicle, may 20 metro ang layo mula sa sabungan, nang bigla siyang pagbabarilin ng suspek.

Sinabi ni Calubaquib na agad na tumakas ang suspek sakay sa isang itim na motorsiklo na walang plaka.

Probinsya

Centennial bust ni NA F. Sionil Jose, inilantad sa publiko

(Niño N. Luces)