Bitbit ang placard, mag-isang nagsagawa ng kilos-protesta ang isang lalaking nagpapakilalang “apo” ni Dr. Jose Rizal sa Luneta kahapon ng umaga laban sa gusaling itinuturing na pambansang photobomber.

Isang araw makaraan ang paggunita ng Rizal Day na siya ring 119th death anniversary ng pambansang bayani, kinondena ni Isaac Reyes, Filipino-Australian, ang pagtatayo ng Torre De Manila malapit sa monumento ni Rizal.

Sinabi niya na siya ay nasa blood line o kaapu-apuhan ni Saturnina Rizal Mercado De Hidalgo, ang panganay na kapatid ni Dr. Jose Rizal, at handang magpa-DNA test.

Gayunman, iginiit niya na ang dapat na resolbahin ay ang pagsasalaula sa pambansang bayani na tinayuan ng Torre De Manila sa likuran nito. - Mary Ann Santiago

Tsika at Intriga

Elijah Canlas, Miles Ocampo plano nang magpakasal?