Jomari, Aiko at Andre copy

ANG ganda na ng showbiz news na ikinasal ng civil si Solenn Heussaff kay Nico Bolzicco sa Argentina. Pero sinundan agad ito ng not so good news, ang break-up naman nina Aiko Melendez at ng foreigner boyfriend.

Kahapon, ipinost ni Aiko na single na uli siya na ikinagulat ng followers niya sa Instagram dahil noong Christmas lang, nag-post siya ng pictures nilang dalawa na magkasama at masaya pa.

After ilang days lang, nag-break na pala sila. 

Human-Interest

Pukpok o doktor? Ang tradisyon ng pagtutuli sa Pilipinas

Hindi na nagpaliwanag si Aiko kung ano ang nangyari at sapat na ang ipinost niyang quotation from Kushandwizoom na, “Stay single until someone actually compliments your life in a way that it makes it better to not be single. If not, it’s not worth it” at nilagyan ng caption na, “Single...:) and Happy!!!” to explain everything.

Deleted na ang picture ni Aiko na kasama ang kanyang ex at ang ipinalit ay pictures nila ni Jomari Yllana na magkasama, pictures nila kasama ang anak nilang si Andre Yllana at sangkatutak na pictures ng ibinibenta niyang designer bags and shoes.

Natawa nga kami sa comment ng isang follower ni Aiko na bags at sapatos lang pala ang katapat ng ex ni Aiko.

(Nitz Miralles)