SYDNEY (Reuters) – Daan-daang residente at bakasyunista sa sikat na Great Ocean Road ng southern Australia ang pinalikas noong Huwebes sa pangambang muling palalakasin ng mainit at mahangin na panahon ang mga bushfire na sumira sa mahigit 100 kabahayan noong Pasko.
Pinayuhan ang mga residente sa tatlong coastal town sa sikat na holiday area na lisanin ang kanilang mga tirahan sa tinatayang pagpalo ng temperatura sa halos 40 degrees Celsius (104 Fahrenheit).