Floyd_JPEG (page 15 banner story photo) copy copy

Muli na namang inihayag ni Floyd Sr., na wala ng mangyayaring rematch kina eight -division champion Manny Pacquiao at kanyang anak na si Floyd Mayweather Jr.

Nagbigay ng komento si Floyd Jr., matapos na sabihin ni Pacquiao na wala pa siyang ginagawang anunsiyo kung sino ang huli nitong makakatungali sa Abril 9, 2016 dahil sa hinihintay pa nilang mabuo ang negosasyon kay Mayweather.

Giit naman ng ama at trainer ng dating pound-for-pound king at undefeated American boxer, na gusto lamang daw ni Pacquiao na magkaroon muli ng pinakamalaking premyo pero hindi na ito mangyayari.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Kung maaalala huling naging laban ni Mayweather Jr., ay noong buwan ng Setyembre kontra kay Andre Berto.

Samantala, inaantay naman ngayong papasok na bagong taon kung isasapinal na nga ni Pacman na pipiliin niya sa kanyang retirement fight ang pakikipagtuos sa ikatlong pagkakataon sa WBO welterweight champion na si Timothy Bradley.

Una na kasing sinabi ni Top Rank Bob Arum kahapon na inaantay niya sa loob ng dalawang araw ang kumpirmasyon na si Bradley nga ang makakalaban ng fighting congressman sa April 9 para sa Pacquiao-Bradley trilogy. (Bombo Radyo)