Humingi ng tulong ang isang grupo ng retiradong sundalo sa mga mambabatas upang magsagawa ng imbestigasyon sa estado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Museum and Historical Library sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Sinabi ni Magdalo Party-list Representatives Gary Alejano at Ace Acedillo, kapwa retiradong opisyal ng militar, na nangangailangan ng atensiyon mula sa gobyerno ang AFP Museum dahil napababayaan na umano ang pangangasiwa sa mga makasaysayang koleksiyon, exhibit at archive ng pasilidad.

Bukod sa mga historical military item, hindi na rin umusad ang kapakanan ng mga nangangasiwa sa museo.

Anila, makabubuti kung maglalaan ng hiwalay na pondo para sa AFP Museum mula sa General Appropriations Act upang mapanatili ang magandang kondisyon ng pasilidad, kabilang ang aklatan na maaaring magamit sa pagsasaliksik sa pinagmulan ng Sandatahang Lakas.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“It has resulted in the inability of the AFP Museum to maintain the quality service that its founders and staff have worked so hard to build,” pahayag ni Alejano, vice chairman ng House Committee on National Defense and Security.

Iginiit din ni Alejano, nasangkot sa serye ng nabigong kudeta laban sa administrasyong Arroyo, na ang kinikita ng AFP Museum sa admission fee at pabugsu-bugsong donasyon ay hindi sapat upang matustusan ang gastusin sa pagmamantine at pangangasiwa sa pasilidad.

Itinayo ang AFP Museum and Historical Library sa Bulwagang Heneral Arturo T. Enrile sa Camp Aguinaldo, Quezon City noong 1996 upang isulong, pangalagaan at palawakin ang kaalaman ng mamamayan sa mayamang tradisyon, kultura at kasaysayan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. (PNA)