Inatasan ng Asian Volleyball Confederation ang Pilipinas para maging punong abala sa 2017 Asian Women’s Senior Volleyball Championship.

Kaugnay nito, naniniwala si Larong Volleyball ng Pilipinas Inc., (LVPI) President Joey Romasanta na sa pagdaraos ng prestihiyosong continental meet sa Manila ay makakatutulong upang mas lalong patanyagin ang volleyball sa bansa at makakatulong upang tumaas ang lebel ng mga lokal na kompetisyon gayundin ng laro ng mga volleyball player.

“We’ve been out of the international volleyball scene for a long time. The Asian Seniors can inspire our players since it features the best teams in the continent,”pahayag ni Romasanta, na miyembro din ng 21-man AVC Board of Administration.

Ngunit, kinakailangan umano ani Romasanta ng pag-apruba ng LVPI board bago nila simulan ang kaukulang preparasyon para sa gagawing hosting.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ayon din sa bise presidente ng Philippine Olympic Committee, pangunahin nilang pagtutuunan ng pansin ang paghahanap ng mga tatayong corporate sponsors para sa torneo.

“It’s not easy to host an international tournament such as the Asian Seniors.We have to get the commitment of the sponsors first before we could begin organizing the event.’’

Sa pagtutulungan ng mga opisyales ng LVPI at ni sports patron Manny V. Pangilinan, nagsilbing host ang bansa sa 1st Asian U23 Women’s Championship noong Mayo at nakapagpadala ng koponan sa ginanap na Asian Seniors Women’s Championship sa Beijing noong nakaraang Hunyo.

Huling idinaos ang Asian Seniors sa lungsod ng Tianjin sa China sa kalagitnaan ng kasalukuyan taon.

Kabilang sa mga lumahok maliban sa host country ay ang powerhouse Iran, Fiji, Thailand, Kazakhstan at Australia, gayundin ang India, Chinese Taipei, Hong Kong, Sri Lanka, Japan, Vietnam, Mongolia, Turkmenistan at South Korea.

(MARIVIC AWITAN)