Dalawang rounds lang ang inabot ni No. 1 ranked Warlito Parrenas ng Pilipinas at pinadapa na siya ni Japanese Naoya “The Monster” Inoue para ipagtanggol ang kanyang WBO super flyweight title, kamakalawa ng gabi sa Tokyo, Japan.

Dalawang beses bumagsak si Parrenas sa 2nd round ng kampeonatong pandaigdig bago itinigil ng Amerikanong referee na si Michale Ortega ang sagupaan eksaktong 1:20 ng 2nd round.

Tinangka ni Parrenas na makuha ang 1st round sa pagsabay kay Inoue ngunit binalewala ng Hapones ang kanyang mga atake. Nagbago ang takbo ng laban sa 2nd round.

“Inoue was quick to the strike, dropping Parrenas less than a minute into round two. The visiting challenger barely beat the mandatory eight count, but his eyes were glazed and seemed frozen in rising to his feet,” ayon sa ulat ng BoxingScene.com.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“A volley of punches soon followed, with Parrenas back on the deck moments later courtesy of a straight right, left hook combination. This time, referee Michael Ortega - doing his best to give the 32-year old contender every chance to fight back - jumped in to immediately halt the contest.”

Nabigo rin ang Pilipinong si Rene Dacquel na maagaw ang OPBF junior bantamweight crown nang matalo siya sa 12-round decision sa kapatid ng WBO super flyweight titlist na si Takuma Inoue.

“Just three days after turning 20, the younger (Takuma) Inoue stormed to a 12-round unanimous decision over Philippines’ Rene Dacquel. Scores were 118-109 (twice) and 117-110,” dagdag sa ulat.

Walang ring ibinuga si Pinoy boxer Jestoni Autida na natalo sa 2nd round TKO kay world rated Japanese Ryo Matsumoto sa 10-round super flyweight bout. (gilbert espeña)