Humingi na ng paumanhin ang pari na naging kontrobersiyal matapos makuhanan ng video na nakasakay sa hoverboard habang nagmimisa sa isang simbahan sa Laguna.

Ang paghingi ng paumanhin ni Fr. Albert San Jose, ng Our Lady of Miraculous Medal Parish sa Biñan, ay nakasaad sa pahayag na inilabas ng Diocese of San Pablo sa Laguna nitong Martes.

Hindi pinangalanan si San Jose, sinabi ng Diocese of San Pablo na ang pari “would like to apologize for what happened.”

“The priest said that it was a wake up call for him; he acknowledged that his action was not right and promised that it will not happen again,” iniulat ng CBCP News post na nakasaad sa pahayag.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“He will be out of the parish and will spend some time to reflect on this past event,” dagdag pa.

Sinabi ng diocese na mali ang ginawa ng pari dahil dapat na bigyan ng malaking respeto ang misa.

“It is the Memorial of the Lord’s Sacrifice. It is the source and summit of Christian life. It is the Church’s highest form of worship. Consequently, it is not a personal celebration where one can capriciously introduce something to get the attention of the people,” anang diocese.

Matatandaang naging viral sa Internet ang video ni San Jose na nakasakay sa hoverboard habang umaawit sa misa bago ang pinal na pagbabasbas sa misa noong bisperas ng Pasko. (Leslie Ann G. Aquino)