Matapos magkaroon ng hinanakit sa pagtanggi sa kanyang koponang Barangay Ginebra sa final ball posession, sa kartadang 83-84 na overtime loss sa kamay ng Globalport noong Linggo ng gabi, hindi sinisi ni Ginebra coach Tim Cone ang mga referee na nabigong tumawag sa inirereklamo nilang 5-second-ball hogging violation.

Napagdesisyon ng koponan na hindi na maprotesta at nanahimik na lamang sila sa nakalipas na dalawang araw. Gayunman, naglabas na ng totoong pagsisintir si Tim Cone.

Sa paliwanag ng league most winningest coach na si Cone, nawawalan ng tsansa ang mga koponan na nagtapos ng mas mataas o ang mga higher-ranked team na matamasa ang kanilang pinaghirapan sa sandaling sila ay matsambahan o matiyempuhan ng mga lower-ranked teams na malas sa kanilang shooting o kaya’y off-night ng ilang mga player lalo na kapag may mga kahalintulad na “non-calls” o “game-changing call.”

Nais ni Cone na pag-aralan ng pamunuan ng PBA ang pagbabalik ng mga best of 5 o best of 7 series sa mga playoffs.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Tungkol naman sa mga referee, naiintindihan naman ni Cone ang hirap ng trabaho ng mga ito kaya’t hindi maiiwasan ang pagkakamali. (Marivic Awitan)