WASHINGTON (AFP) — Kabilang ang isang lider ng Islamic State na mayroong “direct” na kaugnayan sa diumano’y utak ng Paris attacks sa 10 pinuno ng mga terorista na napatay sa Syria at Iraq ngayong buwan, inihayag ng Pentagon noong Martes.

Sinabi ni Baghdad-based US military spokesman Colonel Steve Warren na ang French national na si Charaffe el Mouadan ay napatay sa US-led coalition strike noong Disyembre 24.

“He was a Syrian-based ISIL member with a direct link to Abdelhamid Abaaoud, the Paris attacks cell leader,” sabi ni Warren sa isang video call, gamit ang alternative acronym para sa grupong IS.

Si Abaaoud ay napatay sa isang police raid sa Paris limang araw matapos ang November 13 attacks na ikinamatay ng 130 katao at ikinasugat ng daan-daan pa sa serye ng magkakaugnay sa pag-atake sa French capital.

Internasyonal

Bangkay ng Pinay OFW, natagpuang nabubulok na sa bakuran ng Kuwaiti national