Nagtala si LeBron James ng 34 puntos, 6 sa rebound at 2 assist sa gabi ng kanyang ika-31 kaarawan habang si Iman Shumpert ay nagdagdag ng season-high nitong 16 napuntos upang tulungan ang Cleveland Cavaliers sa pagbigo sa Denver Nuggets, 93-87, noong Martes ng gabi sa Pepsi Center sa Denver.
Ang dalawang assist ni James ay nag-angat ng kabuuang 6,475 rekord sa kanyang career, na kulang na lamang ng isa upang tabunan ang itinala ni Tiny Archibald para sa ika-21 puwesto sa kasaysayan ng liga.
Nagdagdag si Kevin Love ng 8 puntos at 14 rebound upang tapusin ng Cleveland ang apat na laro sa West Coast na may 2-2 marka.
Ipinagpahinga ng Cavaliers ang manlalaro na si Kyrie Irving sa ikalawang gabi ng magkasunod nitong laban matapos itong makabalik mula na nabali na kaliwang kneecap.
Namuno naman si Will Barton sa kanyang 29 na puntos sa puno ng injury na Nuggets, na nalasap ang ikaanim nitong kabiguan sa pitong laro. Hindi nito nakasama sina Danilo Gallinari (sprained left ankle) at rookie Emmanuel Mudiay (sprained right ankle).
Halos nilampasan ni James ang lahat ng iskor ng mga starters ng Denver sa iskor na 35-34.
Samantala, sumandig si Oklahoma City Thunder coach Billy Donovan sa kanyang rookie first-rounder at back-up pointguard na si Cameron Payne matapos makitang nahihirapan ang kanyang ikalawang grupo upang ipreserba ang kanilang pagkapit sa liderato ngayong season sa 131-123 panalo kontra Milwaukee Bucks.
Una munang nahirapan si Payne sa kanyang ikalawang paglalaro para sa koponan kontra sa Milwaukee matapos malasap ang dalawang foul sa unang minuto ng paglalaro. Dito lumapit ang kakampi na All-Star na si Russell Westbrook matapos ang dead ball upang bigyan ng advice ang kanyang understudy.
‘’I just told him to play his game and not let those fouls mess up his rhythm,’’ sabi ni Westbrook. ‘’Because two quick fouls can mess up your rhythm, mess up your game, so I told him to just keep playing.’’
Agad na isinapuso ng rookie ang payo sa kanya matapos itong umiskor ng pitong puntos sa sumunod na 6 na minuto upang ibalik ang Thunder mula sa pagkakaiwan sa unang yugto. Nagawa pa nito ipasok ang 3-pointer sa pagtunog ng mula sa pasa ni Kevin Durant upang makabalik sa comfort zone at itala ang previous career high.
‘’All I can say is hard work pays off. Just stay in the gym, keep working,’’ sabi ni Payne. ‘’Really it’s just the confidence from the other payers that they give me and I just ome out there and play comfortable.’’
Nagtulong sina Westbrook at Durant para sa 27 at 26 na puntos ayon sa pagkakasunod habang si Enes Kanter ay may 23puntos at 8 rebound at si Anthony Morrow ay may dalawang tres sa ikaapat na yugto.
Nahulog ang Bucks sa 12-21 panalo-talong kartada habang umangat ang Thunders sa 22-10. (ANGIE OREDO)