Ang taunang thanksgiving procession ng sinasambang Itim na Nazareno ay inilipat ngayong Huwebes, Disyembre 31, mula sa orihinal na schedule nito sa Enero 1, sa New Year’s Day, dahil sa seguridad.

Ayon kay Monsignor Hernando Coronel, rector ng Minor Basilica of the Black Nazarene (Quiapo Church) sa Manila, kinonsidera nila ang seguridad at kaligtasan ng libu-libong deboto na sasali sa madaling araw na prusisyon sa paglipat ng prusisyon sa Disyembre 31, ang bisperas ng Bagong Taon.

“The streets are usually littered with trash as well as firecrackers on New Year’s Day so we decided to move the thanksgiving procession to December 31 for the safety of the devotees. There are also those who join the procession under the influence of alcohol on New Year’s Day and we are trying to avoid this,” ani Coronel.

Ang thanksgiving procession ng Itim na Nazareno noong nakaraang taon, nagsimula ng 5 a.m. at nagtapos dakong 12 ng tanghali, ay dinaluhan ng mahigit 8,000 deboto.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang prusisyon ay nagsisilbing pambungad sa mas malaking Traslacion procession sa Enero 9. Samantala, ang una sa 9 na araw na novena mass bilang parangal sa Itim na Nazareno ay gaganapin simula ngayon hanggang sa Enero 8.

Kaugnay nito, naglabas ang Philippine National Police (PNP)–Manila Police District ng traffic advisory sa ilang kalsada na sarado ngayon simula 4:00-11:00 ng umaga:

Ang north at southbound lane ng Quezon Boulevard, mula Andalucia Street corner Fugoso Street hanggang sa Quezon Bridge; Isetann/southbound ng Quezon Boulevard–Service Road; España Avenue/P. Campa Street/Lerma Street; at eastbound lane ng C.M. Recto Avenue mula Rizal Avenue hanggang sa S.H. Loyola Street.

Nagbabala ang PNP sa publiko na magiging mabigat ang trapiko at nagpayo na dumaan sa mga alternatibong ruta:

Ang mga motoristang nagmula sa España Avenue na patungong katimogan ng Maynila ay maaaring kumaliwa sa Nicanor Reyes Street, kumanan sa C.M. Recto Avenue, ay kumaliwa sa Rizal Avenue hanggang sa point of destination.

Ang mga daraan sa Quezon Boulevard mula Andalucia Street ay maaaring kumanan sa Fugoso Street at kumaliwa sa Rizal Avenue hanggang sa point of destination.

Ang lahat ng behikulo mula Divisoria na patungong eastbound lane ng C.M. Recto Avenue ay maaaring kumanan o kumaliwa sa Rizal Avenue hanggang sa destination.

Ang mga behikulo mula Balic-Balic patungong Quiapo, na daraan sa S.H. Loyola Street ay maaaring kumaliwa sa C.M.

Recto Avenue hanggang sa point of destination. (CHRISTINA HERMOSO at TESSA DISTOR)