Pansamantalang nakalalaya si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo at nakauwi na kahapon sa kanyang bahay sa Quezon City, para roon magdiwang ng Bagong Taon kasama ang kanyang pamilya.

Si Arroyo ay inilabas kahapon ng mga police escort mula sa Veterans’ Memorial Medical Center (VMMC), na roon ito naka-hospital arrest, upang magbigay ng proteksiyon sa dating pangulo sa pag-uwi nito sa La Vista Subdivision, Quezon City.

Nagawang makalabas ng VMMC si Arroyo mula kahapon (Disyembre 30) dakong 8:00 ng umaga at babalik sa ospital sa ganap na 5:00 ng hapon sa Enero 2, 2016.

Pansamantalang nakalalaya ang dating Punong Ehekutibo matapos itong payagan ng Korte Suprema sa hiling na Christmas at New Year furlough.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Nahaharap si Arroyo sa kasong plunder sa Sandiganbayan kaugnay ng paglulustay umano ng P366-milyon pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong kanyang termino bilang pangulo. (Rommel P. Tabbad)