DARAGA, Albay - Idineklara ng National Museum ang Cagsawa Ruins sa Daraga, Albay bilang National Cultural Treasure, ang pinakamataas na antas ng mga yamang pangkultura ng bansa.

Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, ang deklarasyong ipinalabas ni National Museum Director Jeremy R. Barns nitong Disyembre 23 at nalathala sa website ng museo, ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng Cagsawa Ruins sa mga pamanang lahi at yamang pangkultura ng Pilipinas.

Popular na iniuugnay ang Cagsawa Ruins sa kaakit-akit na Mayon Volcano at karaniwan ang mga itong makikita sa mga postcard, larawan at selfie shots.

Naghihintay na lang ito ng opisyal na pagkilala ng UNESCO bilang isang World Heritage Site.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nominado rin ang Albay na maging UNESCO Biosphere area.

Bilang isang National Cultural Treasure, ang Cagsawa Ruins ay kabilang na sa mga prioridad na bigyan ng proteksiyon, pangangalaga at promotion ng bansa, kaya lalo itong aakit ng mga turista.

Ang Albay ay isa sa pinakamabibilis na sumusulong na tourist destination sa Pilipinas.