CABIAO, Nueva Ecija - Himalang nakaligtas sa ambush ang isang manager ng bangko at kanyang driver matapos silang biktimahin ng hindi nakilalang riding-in-tandem sa Gapan-Olongapo Road sa Barangay San Fernando Sur sa bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Sa ulat ng Cabiao Police, kinilala ang mga biktima na sina Josefina Nieves, 62, manager ng Producers Bank-Cabiao, ng Bgy. Mabini Homesite, Cabanatuan City; at Rustico Mallari, 54, driver ng Nissan car (CTV-998).

Sa leeg nabaril si Mallari, habang sa kaliwang balikat naman ang tama ni Nieves. (Light A. Nolasco)

Probinsya

OP, may ayudang ₱50k sa mga pamilyang biktima ng lindol sa Mindanao!