Midwest Flood [ap] copy

KANSAS CITY, Mo./CHICAGO (Reuters) — Napilitang lumikas ang libu-libong residente ng Missouri noong Martes matapos ang apat na araw na pananalasa ng bagyo na nagpaapaw sa mga ilog na ngayon lamang nasaksihan, at ikinamatay ng 13 katao, nagpasara sa daan-daang kalsada at nagpatigil sa shipping sa binabahang Mississippi river.

Nagpapatuloy ang isang linggo ng masamang panahon sa buong United States habang patungo sa hilaga ang bagyo, na nagdala ng mga nakamamatay na buhawi sa Midwest at Southwest. Mahigit 40 katao na ang namatay sa buong bansa dahil sa masamang panahon sa Kapaskuhan nitong nakalipas na linggo.

Bumuhos ang ulan sa Missouri simula noong Sabado, at nagbabala ang forecasters na aapaw ang mga pangunahing ilog sa Miyerkules at Sabado, sa pinakamataas na antas nito.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“Flooding on the middle portion of the Mississippi River and its tributaries may reach levels not seen during the winter months since records began during the middle 1800s,” sulat ni Alex Sosnowski, senior meteorologist, sa AccuWeather.com.

Inatasan ni Missouri Governor Jay Nixon ang National Guard na magmando ng trapiko palayo sa daan-daang isinarang kalsada sa buong estado at hinimok ang mga driver na huwag nang sumuong sa baha. Karamihan ng mga namatay ay resulta ng pagkaanod sa baha ng kanilang mga sasakyan.

Libu-libong biyahero ang na-stranded sa masamang panahon sa bansa ngayong linggo. Sa tala noong Martes ng gabi, umabot na sa mahigit 1,440 flight ang nakansela sa United States at halos 8,500 ang naantala, ayon sa FlightAware.com.