Nakasalalay sa susunod na pangulo ng Pilipinas ang kahahantungan ng sports sa bansa.
Ito ang pahayag mismo ni Philippine Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico tungkol sa posibleng maganap sa susunod na anim na taon sa mundo ng palakasan base sa nakatakdang pagsasagawa ng eleksiyon para sa magiging bagong pangulo ng bansa sa taong 2016.
“It all depends on who will be the president next year,” sabi ng dating Philippine Sports Commission (PSC) chairman na si Juico, kung saan tanging dalawa lamang sa kasalukuyang kandidato sa pagkapangulo ang lantaran sa pagbibigay prayoridad sa sports.
“If we were to base on their pronouncement, only two of the presidential candidates has concern on sports, Grace Poe and Jejomar Binay,” sabi ni Juico. “Other than the two, other has not shown or has not even mention sports in any of their activities,” sabi pa nito.
Matatandaang hindi naging prayoridad sa nakalipas na anim na taon ang sports sa panunungkulan ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III na mas pinahalagahan nito ang iba pang aspeto tulad ng edukasyon, kalusugan, ekonomiya at imprastruktura.
“They had their own priorities, sad to say sports is not in the list,” sabi ni Juico. “That is why we in the association had to go to the private sectors for funding. Unfortunately, if the next president has the same thinking, then we will have to be on our own if we want to achieve success in the sports,” sabi pa nito.
Unang inilalapit ni Juico sa mga malalaking kampanya ang mga pambansang atleta sa athletics kabilang na ang isa sa tanging dalawa na nakapagkuwalipika sa 2016 Rio De Janiero Olympics na si Eric Shauwn Cray na sasabak sa 400m hurdles event sa tangkang maiuwi ang pinakaunang gintong medalya ng bansa sapul noong 1924.
Ang ikalawang atleta na nakapagkuwalipika sa 2016 Olympics ay ang weighlifter na si Hidilyn Diaz na sasabak naman sa women’s 53kg. (ANGIE OREDO)