Magdidiwang ang Philippine Sports Commission (PSC) na Laro’t-Saya sa Parke PLAY ‘N LEARN sports program sa paggunita ng kaarawan ng pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal ngayong umaga sa Burnham Green sa makasaysayang Luneta Park.

Sinabi ni PSC Research and Planning chief Dr. Lauro Domingo Jr. na parte ng pagtulong ng ahensiya ng gobyerno sa sports ang pakikiisa sa buong bansa sa selebrasyon ng araw ng kapanganakan ni Jose Rizal sa pagsasagawa nito ng libreng pagtuturo ng iba’tibang sports.

“We know that most of our families will spent the holidays, and the special holiday which is the Rizal Day, so we want to give them some social time and bonding moment with their kids while involving them to get into sports in staging our Laro’t-Saya sa Luneta Park,” sabi ni Domingo Jr.

Ilang aktibidad din ang nakatakdang isagawa sa monumento mismo ni Rizal na inaasahang dadaluhan ng matataas na opisyal ng bansa habang isasagawa naman ang mga laro ng Laro’t-Saya sa Parke sa malawak na bahagi malapit sa Luneta Grandstand.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Katatapos lamang isagawa ng PSC Laro’t-Saya sa Parke ang matagumpay na Zumba Marathon na nilahukan ng mahigit sa 500 katao gayundin ang mini-tournament sa volleyball, football at chess.

Libre namang itinuturo sa programa na iniendorso mismo ng Palasyo ng Malakanyang ang iba pang disiplina tulad sa arnis, karate, lawn tennis at badminton. (ANGIE OREDO)