Isang negosyante, na itinuturong leader ng isang extortion syndicate, ang ipinaaresto ni Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson matapos siya nitong pagtangkaang kikilan ng P10 milyon sa Quezon City, iniulat kahapon ng pulisya.

Nakapiit na si Ramil Madriaga, 49, ng Villa Estela, Barangay San Andres, Cainta, Rizal, sa Eastwood Police Station 12 matapos kasuhan sa sala ni Fiscal Veronica Pagayatan ng paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulations Law) at City Ordinance No. 5121.

Base sa report ni PO3 Benjie Butac, dakong 11:00 ng umaga nang dumating umano ang sasakyan ni Madriaga sa bahay ni Singson sa Corinthian Subd., Bgy. Ugong Norte, Quezon City, kasama ang apat na umano’y armadong lalaki.

Lumabas si Singson sa kanyang bahay at kinausap si Madriaga subalit matapos ang ilang sandali ay nagkaroon na ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon kay Singson, kinikilan umano siya ni Madriaga ng P10 milyon kaya humingi ang gobernador ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) Station 12 na nagresulta sa pagkakaaresto ng negosyante.

Nabawi umano ng pulisya sa grupo ni Madriaga ang ilang .45 caliber pistol, .9mm pistol at balisong. (Jun Fabon)