ISULAN, Sultan Kudarat – Matapos pabulaanan ang inihayag ng militar na maraming miyembro nila ang nasugatan sa mga engkuwentro sa nakalipas na mga araw, tiniyak ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na magsasagawa pa sila ng mga pagsalakay sa iba’t ibang pasilidad ng militar.

Sa isang panayam nitong Lunes, sinabi ni Abu Misry Mama, tagapagsalita ng BIFF, na dalawa lang sa miyembro ng grupo ang nasugatan sa mga pagsalakay nila sa iba’t ibang bahagi ng Maguindanao at Sultan Kudarat.

Ipinagkibit-balikat naman ng militar ang nasabing pahayag, samantala ilang sibilyan ang nagsalaysay na nakita nila nang umatras ang BIFF sa pagsalakay nito, bitbit ang maraming sugatang kasapi, na hinalang nasawi ang iba sa mga ito.

Sinabi pa ni Mama ang patuloy na pagsalakay ng BIFF ay upang patunayan na lumalakas pa ang kanilang grupo.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Komento naman ng isang nakatatanda, na nagkubli sa pangalang “Faisal”, posible lamang na lumakas ang BIFF kung may sasapi rito mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Kaugnay nito, tiniyak naman ng militar ang kanilang kahandaan sa nasabing banta ng BIFF. (Leo P. Diaz)