Lemmy copy

PUMANAW na si Lemmy Kilmister, lead vocalist at founding member ng Motörhead, nitong Lunes sa Los Angeles sanhi ng cancer, kinumpirma ng kanyang manager na si Todd Singerman sa The Wrap. Si Kilmister ay 70 taong gulang.

 

Kinumpirma rin ng banda sa kanilang Facebook account na dakong 4:50 ng hapon noong Lunes namatay ang bokalista.

Human-Interest

'National Rally for Peace,' extra income para sa ilang street vendors sa Maynila

Inilarawan nila ang kanilang frontman bilang “our mighty, noble friend.”

“There is no easy way to say this … our mighty, noble friend Lemmy passed away today after a short battle with an extremely aggressive cancer,” ayon sa ibinahaging mensahe. “He had learnt of the disease on December 26th, and was at home, sitting in front of his favorite video game from The Rainbow which had recently made its way down the street, with his family. We cannot begin to express our shock and sadness, there aren’t words.”

Si Kilmister ay nakipaglaban sa well-publicized health issues, kabilang na ang hematoma. Noong Setyembre, maraming kinanselang concert si Kilmister nang magkaroon siya ng komplikasyon sa diabetes.

“We will say more in the coming days, but for now, please…play Motörhead loud, play Hawkwind loud, play Lemmy’s music LOUD,” tanong ng banda sa kanilang mga tagahanga sa Facebook page nito. “Have a drink or few. Share stories. Celebrate the LIFE this lovely, wonderful man celebrated so vibrantly himself.”

Isa si Ozzy Osbourne sa mga naunang nagbigay-pugay kay Kilmister.

“Lost one of my best friends, Lemmy, today. He will be sadly missed. He was a warrior and a legend. I will see you on the other side,” tweer ni Osbourne.

Ipinanganak bilang Ian Fraser Kilmister, ang British rocker na mula sa Stoke-on-Trent, England, ay sumanib sa space rock band na Hawkwind noong 1972 bilang bassist at vocalist.

Siya ay pinatalsik sa Hawkwind noong 1975 nang maaresto dahil sa ipinagbabawal na gamot sa Canada, at naging miyembro ng bandang Bastard kasama sina Larry Wallis at Lucas Fox noong 1975, bago ito pinalitan ng pangalan at naging Motörhead. (The Wrap)