Nanatili sa positive territory ang Philippine import sa limang magkakasunod na buwan nitong Oktubre dahil sa malakas na domestic demand para sa raw materials at intermediate inputs, capital at consumer goods, sinabi ng National Economic Development Authority (NEDA).

Ipinakita ng datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas ang import ng 16.8-porsyento sa $6.5 billion sa Oktubre ng taong ito mula $5.6 billion sa parehong buwan noong nakaraang taon.

Malaki rin ang itinaas ng mga numero nitong Oktubre mula sa 8.2-porsyentong paglago na naitala sa naunang buwan, isiniwalat ng PSA data.

Ang double-digit growth ay sinuportahan ng mas mataas na importasyon ng raw materials at intermediate goods (40.1 porsyento), capital goods (25.4 porsyento) at consumer goods (4.1 porsyento).

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Naungusan ng Pilipinas ang ibang bansa sa Asia sa pagbaba ng nairehistrong import ng ilang trade-oriented economies.

Ang Vietnam, na nagposte ng positibong paglago sa mga naunang buwan kasama ang Pilipinas, ay bumaba ng 1.8 porsyento noong Oktubre ng taong ito.

“The continuing resurgence of imports is a healthy indication of robust investment demand as it continues to be driven by intermediate and capital goods,” sabi ni Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan sa isang pahayag. (Chino Leyco)