Lemon (photo for story 2) copy

Pumanaw na si Meadowlark Lemon, ang tinaguriang ‘’clown prince’’ ng maalamat at popular na koponan sa basketball na Harlem Globetrotters, at kilala sa kanyang iba’tibang hook shots at katatawanan na nagbigay saya sa milyong tagasubaybay sa buong mundo. Siya ay 83.

Ipinaalam mismo ng asawa at anak ni Lemon sa buong koponan ang pagkawala ng mahusay na basketbolista noong Linggo sa Scottsdale, Arizona, sabi ni Globetrotters spokesman Brett Meister noong Lunes. Hindi alam ni Meister ang sanhi ng pagpanaw ni Lemon.

Bagamat taglay ang skill para maglaro sa propesyonal, mas pinili ni Lemon ang magpasaya, kung saan ang pangarap nito na maglaro para sa Globetrotters ay nagsimula matapos makapanood ng ilang laro ng “all-black team” sa isang sinehan noong siya ay 11 anyos pa lamang.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Hindi nagtagal ay si Lemon ang naging pinakasikat sa koponan, na tila isang “showman” na nakakaalam sa lahat lalo na sa kanyang “confetti-in-the-water-bucket routine at slapstick comedy katulad na rin mismo sa kanyang half-court hook shots at no-look, behind-the-back na pasa.

Dahil sa kanyang naitulong sa basketball at pagpapasaya, si Lemon ay kapwa kinilala at pinarangalan ng Naismith Basketball Hall of Fame at maging International Clown Hall of Fame.

‘’My destiny was to make people happy,’’ sabi ni Lemon noong itinakda sa basketball hall dahil sa kanyang kontribusyon sa laro noong 2003.

Naglaro si Lemon para sa Globetrotters noong kasikatan ng koponan noong 1950s hanggang late-1970s, kung saan pinapasaya nito ang fans sa kanilang skills sa bola at mga biruan.

Nagbibiyahe alinman sa pamamagitan ng kotse, bus, train o eroplano kada gabi, halos nalibot ni Lemon ang mahigit 4 milyong milya para maglaro sa mahigit 100 bansa at maging sa harap mismo ng Santo Papa at presidente, pati na rin sa mga hari at reyna.

Kilala bilang ‘’Clown Prince of Basketball,’’ nagtala ito ng 325 laro kada taon noong kabataan, at hindi nawawala ang kanyang ngiti tuwing maglalaro.

‘’Meadowlark was the most sensational, awesome, incredible basketball player I’ve ever seen,’’ sabi ni NBA great at dating Globetrotter Wilt Chamberlain ilang oras matapos pumanaw noong 1999. ‘’People would say it would be Dr. J or even (Michael) Jordan. For me it would be Meadowlark Lemon.’’

Naglaro si Lemon sa loob ng 24 na taon para sa Globetrotters, kung saan dinayo nito ang “racially torn South” noong 1950s hanggang tumigil noong 1979 upang simulan ang kanyang sariling koponan.

Isa rin ito sa naging pinakasikat na atleta sa mundo bunga ng kanyang magkahalong athleticism at showmanship.

Kasagupa ang madalas kalaro na Washington Generals, madalas pinapasaya ni Lemon ang kanilang tagahanga dahil sa kanyang hook shots, no-look passes at ang makukulit na galaw kasabay sa kilalang-kilala na tugtog ng Globetrotters na ‘’Sweet Georgia Brown”.

Madalas din nitong napapauwi ang fans na masaya kada laro, kung saan nagsasagawa ito ng komentaryo habang bitbit ang bola, o maglalagay ng confetti sa water bucket na ibubuhos nito sa isang fans o biglang hihilahin ang pantalon ng isang ‘’unsuspecting’’ referee.

‘’We played serious games too, against the Olympic teams and the College All-Stars,’’ sabi ni Lemon habang nabubuhay. ‘’But that didn’t stop us from putting the comedy in there.’’

Naging icon din sa Lemon noong 1970s, matapos lumabas sa mga pelikula, na tulad sa ‘’The Fish That Saved Pittsburgh,’’ hindi mabilang na talk shows at maging sa cartoon na ‘’Scooby Doo,’’ kung saan si Scatman Crothers ang kanyang boses.

Matapos iwan ang Globetrotters, binigo ni Lemon ang kanyang sariling koponan na The Bucketeers, at naglaro sa ilang koponan bago muling nagbalik sa Globetrotters para sa maikling tour noong 1994.

Ginamit ni Lemon ang kanyang huling panahon sa pagbibigay ng mensahe ng paniniwala sa pamamagitan ng larong basketball. Naging Ordained minister ito noong 1986 at isang motivational speaker na dumadalaw sa iba’tibang bansa para makausap ang mga bata sa basketball camps at youth prisons kasama ang kanyang Scottsdale-based Meadowlark Lemon Ministries.

‘’I feel if I can touch a kid in youth prison, he won’t go to the adult prison,’’ sabi ni Lemon noong 2003.