Posibleng gawin ni unbeaten one-time top heavyweight contender Ike “The President” Ibeabuchi ang kanyang comeback fight sa Abril 9 card ni eight-division world champion Manny Pacquiao.

Kinuha ni Ibeabuchi bilang personal adviser ang punong abala sa kampo ni Pacquiao na si Michael Koncz.

Si Ibeabuchi, 43, ay huling lumaban noon Marso 20, 1999 kung saan natalo nito si two-time world champion Chris Byrd.

Natigil ang kanyang karera sa parehas na taon dahil sa kasong sexual assault.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Pebrero noong nakaraang taon lamang siya nakalabas mula sa Nevada prison.

Ngunit noong nakaraang buwan lamang tuluyang nakalaya mula sa kustodiya ng U.S. Immigration at Customs Enforcement sa Arizona.

Ayon kay Koncz, posible nilang isama si Ibeabuchi sa Pacquiao cards sa Las Vegas sa Abril.

Samantala, kailangan munang sumabak sa samu't saring medical tests ni Ibeabuchi bago ito payagang makabalik muli sa itaas ng ring. (Bombo Radyo)